mgatyod

Huling Paalam

In Uncategorized on February 22, 2011 at 11:14 am

Parang kamakailan lang mula noong una kong pagtapak sa mataas na paaralan. Sa totoo lang, hindi ko naisip na maaabot ko rin ang panahong ito. Ilang minute na lamang at magwawakas na rin ang sinasabi nilang “pinakamasayang apat na taon sa iyong buhay.”

Ngunit, hindi naging masaya ang lahat ng aking karanasan ditto. Ilang araw akong binugbog sa pagod dahil sa napakaraming kinakailangang ipasa na proyekto. Marami akong kinaibigan, ngunit kasing rami lang nito ang aking mga naging kaaway. May ilang panahon kung kalian ninais ko na talagang sumuko na lamang. Ngunit, hindi ako sumuko.

Dito sa Ateneo, natuto akong maging masipag. Kung hindi dahil rito, matagal na siguro akong sumuko at naghanap na lang ng ibang paaralang. Sa napakaraming beses kong nasaktan, natuto akong maging matatag at malakas ang loob. Pinakamahalaga sa lahat, natuto akong maging malapit kay Kristo. Wala akong ibang mapapasalamatan na nagbantay sa akin sa kabila ng lahat ng kabiguan na aking naranasan.

Hindi pa ito ang huli. Sigurado akong magkikita pa tayong lahat pagkalipas ng ilang taon. Pagdating ng panahong iyon, marami na siguro ang nagbago sa atin. Ngunit, sa kahuli-hulihan, an gating apat na taon na pagkakasama ang siya ring magsisilbing koneksyon n gating mga pinagdaanan.

Magandang gabi sa inyong lahat. Isang napakalaking pribileheyo na makilala ang bawat isa sa inyo.

– Alain Amarante

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: