mgatyod

Ubos

In Uncategorized on February 21, 2011 at 11:28 am

Ubos.

Kung mga baso’t lalagyan ang mga buhay natin dito sa Mataas na Paaralan ng Ateneo, sa mga huling buwan na ito, marahil tayo’y tuyo’t ubos na. Natabig na siguro ng senioritis ang kakaunting sipag at tiyagang natitira sa atin. Hindi lang siguro iyan, kung hindi pati na rin ang katiting na oras na nalalabi kasama ang ating mga kamag-aral at kaibigan. Kung tutuusin, mahirap magsama-sama at maging buo muli, tulad ng sa silid-aralan, pagkatapos ng mataas na paaralan.

Ngunit, kung isipin natin, hindi ba’t napuno itong mga baso natin ng mga karanasang hindi kailanmang mabubuhos, magkailang tabig pa? Sa iba sa atin, maaaring nag-uumapaw tayo sa mga karanasang ito. Ang ating mga tagumpay sa akademiya. Ang mga pakulong nagdala sa atin sa APSA. Ang unang beses na nagka-Kostka, at ang unang beses na hindi nagka-Kostka. Ang pag-ibig na nasawi dahil sa mga kaibigan, at ang mga pagkakaibigang magpakailanma’y mananatiling matatag. Tiyak akong laging nasa ating mga baso ang mga karanasang ito, malimutan man natin o hindi.

Sa panibagong yugto ng buhay na dala sa atin ng kolehiyo, aking mga kaibigan, muling mauubos itong mga baso natin. Magiging ubos tayo upang mapuno muli, ng kung ano man ang dala ng kolehiyo at ng hinaharap para sa atin. Magkahiwa-hiwalay man tayo, sa ating mga baso, tayo’y laging buo.

-Josh Madarang

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: