mgatyod

Isang Talumpati.

In Uncategorized on February 21, 2011 at 2:25 pm

Pagmamahal.

Yan ang dahilan kung bakit ako andito sa harap niyo ngayon. Hindi yan dahil sa sobrang galing ko sa mga asignatura na’tin sa klase. Hindi yan dahil sa mga napakarami kong ginawa para sa iskuwelahan na ito. At mas lalong hindi ako nasa harapan niyo dahil sa angking talino ko.

Ako’y nasa harapan niyo ngayon, dahil natuto akong magmahal. Natutunan kong mahalin ang mga kaklase ko. Mga kaklase ko na minsan, ang hirap intindihin. Natutunan kong mahalin ang mga sobrang labong guro (na ayoko nang pangalanan) na sa tingin ng buong klase ay hindi naman nakatulong talaga. Natutunan kong mahalin ang pag-aaral, hindi lang ng mga asignaturang pinag-aaralan na’tin dati sa klase kundi kasama na ang pag-aral tungkol sa buhay mismo.

At higit pa sa lahat ng yan, natutunan kong mahalin pa lalo ang ating Panginoon. Kahit minsan ba, ang hirap Niyang intindihin. Kahit minsan, hindi mo alam kung saan ka Niya dadalhin, sumunod pa rin ako, kasi minahal, minamahal, at mamahalin ko Siya.

Sana, mga minamahal kong kaklase at mga magulang, natuto tayong magmahal. Pero kung hindi pa, ayos lang! Madami pa tayong pagdaraanan at sana magawa na’ting magmahal sa buhay na’tin ngayon.

 

-Paulo Bautista

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: