mgatyod

TalumpatiNiChuckD

In Uncategorized on February 20, 2011 at 10:02 pm

Pagpasok natin sa Mataas na Paaralan ng Ateneo De Manila, maaayos pa ang suot nating uniporme. Asul na asul pa, kasabay ng pantalong malinis. sumusunod pa sa haircut rule at laging suot ang ID sapagkat natatakot ma-sanction. Maagang pumasok at nagsusumite ng lahat ng takdang-aralin para lang tumaas sa effort mark. Lahat tayo, nag-aaral pa para sa mga pagsusulit.

 

Lumipas ang unang taon, may umalis na naming mga seniors. Nahanap na natin ang mga butas sa mga patakaran kaya natuto tayong sumikot-sikot sa mga ito. Unti-unting humahaba ang buhok. Nakikita mo na ang mga gurong ayaw sa inyo at mga gurong mababait. Masaya ka pa ring pumasok subalit nagsisimula na ang pagkaramdam ng paulit-ulit na araw.

 

Lumipas ang ikalawang taon, ang ikatlong taon. Palig, Sportsfest, Prom, chicks, college applications. Mas humahaba na ang mga buhok, ‘di na pinapansin ang unipormeng madungis. Nagsisimula nang maging rebelde sa lipunan. Sinasagot mo na ang mga guro dahil sa tingin mo, mataas ka na sa lipunan. Ang yabang mo! Pero “nakakataas” pa rin sa ‘yo ang mga seniors at ‘di ka na makahintay na maging sila. Pero wala kang magawa kaya wala ka nang inatupag kundi ang mga bisyo subalit itinatago mo pa rin ito sa nakararami.

 

Sa wakas, nasa ikaapat na taon ka na. Isa ka nang hari at ang mga underclassmen ang iyong mga alipin. Sinusuway mo na ang iyong mga guro. Laging nahuhuling pumasok, hindi na nagpapagupit, ang ID, iniiwan na sa bahay, ang uniporme, sira-sira’t may mga tastas. ‘Di na nag-aaral. Senioritis, ika nga. “Senior na ako e!” Gustong makalaya sa kulungan ng paaralan.

 

Nagtapos ka na! Masaya ka na? Layas, pwede ka nang umalis. Isa kang gagong Atenista. Atenista? Sigurado ka bang Atenista ka? Aminin mo, ginawa mo lahat ‘yan. Pero kung Atenista ka talaga, alam mo ang tama at ginawa mo ito.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: