Magandang gabi mga kaibigan, kaklase, guro at magulang. Ito na ang araw na hinintay natin nang napakatagal, handa na tayong umusad. Handa na tayong kumilos paharap, pumunta sa kolehiyo, o kung minalas at walang kolehiyo, pasensya, trabaho na kayo. Biro lang. Magpasikap na lang kayo muli at maghanap ng bagay kung saan magaling.
Kung tatanungin mo ako kung kinakabahan ako, hindi ko talaga masasabi na oo, kasi matagal ko nang alam na ako yung valedictorian at pinaghandaan ko na ang talumpating ito kanina umaga. Buti na lang hindi ‘to na cram. Napakasaya ako na nakapag-graduate ang lahat ng Nboy, Aboy, at Bboy dahil ito ang mga honor section. Sorry sa mga baka nasaktan, ngunit napakahusay namin.
Titigil na ako sa pagyayabang pero totoo naman mga sinasabi ko, e. Ngunit napakaswerte ko na kasama ko kayo bilang mga batchmate. Mga magagandang karanasan na kasama ko ang aking mga kaklase. At sana lahat tayo’y maging kontento at masaya sa ating buhay.
Sa dami kong natutuhan, ang dumikit sa akin ay ang, “Non Habemus Tempus”, wala na tayong oras. Sa apat na taon ko rito sa Mataas na Paaralan, wala akong nahanap na panahon para sa kaibigan ko at sa 4.0 QPI, sunud-sunod na 1st Honors, mga patimpalak, ang pagtanggap sa akin ng Harvard, wala lang ‘yon. Ang aking pagkakamali ay ‘di ko nabigyan ng oras ang aking mga kaklase at mag-isa na lang ako palagi. Wag niyo akong gagayahin. Maraming salamat.
– Joaquin Camus