mgatyod

Talumpati ng Pagtatapos

In Uncategorized on February 20, 2011 at 4:14 am

Magandang umaga sa inyong lahat. Ako po si Gerald Galang ng 4N. Narito ako ngayon sa harap ninyong lahat para bigyang tapos ang ating buhay haiskul.

Una sa lahat, hindi ko malilimutan ang mga tao at bagay dito sa Mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila. ‘Di ko rin malilimutan ang mga guro na nagbigay hugis sa aking pagkatao at naghanda sa akin para sa aking hinaharap. ‘Di ko rin malilimutan ang mga kaklase ko na nakakasama ko bawat araw ko rito. ‘Di ko rin kayo makalilimutan ‘pagkat kasabay ko kayo sa paglaki sa apat na taon na nakalipas. ‘Di ko rin makalilimutan ang establisamentong ito kung saan tumulo ang ating mga pawis at luha. ‘Di ko rin malilimutan ang mga umagang malamig habang inaabangan nating ang mga manyayari sa araw na iyon. ‘Di ko rin malilimutan ang mga hapong mainit habang tayo’y nangangating umuwi at magpahinga.

Ang mga bagay at tao na hindi natin malilimutan ay kinakailangan din nating pasalamatan. Pasalamatan natin sila sapagkat sila ay ang dahilan kung bakit ganito tayo ngayon. Ang bawat tao at bagay na ating naranasan sa dumaang apat na taon ay humubog sa atin sa taong tayo’y naging. At kung sino tayo sa araw na ito ay dapat ipagpasalamat.

Bilang pagtatapos ng aking pagbigay tapos, dalawang bagay lang ang aking masasabi. Maraming salamat po at hindi ko kayo malilimutan.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: