mgatyod

Talumpati ng Pagtatapos

In Uncategorized on February 20, 2011 at 3:06 am

Guys, guys! Gusto ko lang sabihin sa inyo na sa totoo lang, ‘di ako gulat na ako’y narito ngayon sa harap niyong lahat.

Pagpasok pa lang sa mataas na paaralan ng Ateneo, ramdam ko nang ako ang pinakamagaling na nilalang na umapak sa lupa ng paaralang ito.

Siguro, medyo naiinis na kayo dahil parang ang yabang ng mga pinagsasabi ko rito. Ngunit sinasabi ko sa inyo ngayon na hindi kaiinisan yan, kundi kainggitan. Hindi naman masasabing kayabangan ang mga bagay na sinasabi ko dahil totoo lahat ito.

Ang isa pang gusto kong sabihin ay, oo, ako ang pinakamatalino at magaling sa ating batch. Wala na kayong magagawa tungkol doon. Kaya kung ako kayo, maging masaya na kayo sa kahit ano mang natanggap niyo ngayong araw na ito.

Sa madaling salita, gusto ko lang sabihin sa inyo ngayon na ako’y mas magaling sa inyong lahat. Pwede niyo akong idolohin, o pwede niyo akong murahin, wala akong paki. Kasi kahit anong gawin niyo ay sa dulo’y lalabas na mas matalino pa rin ako sa inyo.

Wala akong masyadong natutunang bago ditto sa mataas na paaralan dahil alam ko nang ako ang pinakamagaling na estudyante noong ako’y nasa mababang paaralan pa lamang. Maaasahan kong wala ring mag-iiba pag-apak ko sa lupa ng Unibersidad ng Pilipinas. Pagkatapos ng apat na taon doon, ako’y tatayo muli sa entablado bilang balediktoryan.

Dito na nagtatapos ang aking talumpati. Sana’y ‘di kayo masyadong nainggit.

-Mel Mauleon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: