mgatyod

Talumpati ng Pagtatapos

In Uncategorized on February 20, 2011 at 1:02 am

Magandang umaga, mga kaibigan. Nandito ako ngayon upang magbigay ng talumpati. Sa katotohanan, hindi ko alam kung ano dapat kong sabihin. Alam ko lang na itong huling apat na taon ay ilan sa pinakakaibang taon na naranasan ko.

Marami akong karanasan nitong apat na taon. Naranasan ko ulit ang proseso ng pagkakaroon ng bagong kaibigan. Naranasan ko ulit ang magsipag para pumasa sa klase. Naranasan ko rin muli ang saya ng pagkakaroon ng honors.

Peor mayroon din akong naranasang bago. Nakaranas ako ng Prom. Nakaranas ako ng KLIK at AniMoAniKo. Nakaranas ako ng CAT. Pero ang pinakamaaalala kong bagong karanasan ay ang karanasan kong mag-cram ng takdang-aralin at bumagsak ng isang asignatura. Natutunan ko na kung tamad at mayabang ka, hindi ka magtatagumpay sa buhay.

Dati, akala ko ang galling ko, na ang talino ko, na hindi ko kailangang mag-aral. Pero noong unang taon, nakakuha ako ng D sa Pilipino, bumagsak ako. Dahil sa karanasan iyon, ipinangako ko sa sarili ko na hindi iyon uulit. At hanggang ngayon natutupad ko pa rin ang akong pangako.

Bago ko tapusin ang akin talumpati, gusto ko lang sabihin sa lahat na dapat maging masipag kayo sa kolehiyo. Huwag niyonh hintayin mangyari sa iyo ang nangyari sa akon para lang mamulat kayo sa katotohanan. Hindi dahil Atenista kayo, may karapatan kayong magyabang. Aral, sipag, at trabaho, iyon ang mga sikreto sa tagumpay.

 

–          Kevin Reyes

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: