mgatyod

Talumpati ng Pagtatapos

In Uncategorized on February 20, 2011 at 3:10 pm

“Hoy!” sigaw ng isang dating kaibigan, “bilisan mo nga!”

Unang araw sa mataas na paaralan at tumatakbo ako. Nahuli kasi bus ko dahil sa kabagalan ng mga naglalakad at sa bagal ng trapiko. Patapos na nga ang pagpapakilala ng klase sa isa’t isa. Buti na lang, umabot ako.

Ngayon, nakatayo ako sa entabladong ito, nagmumuni’t nagtatalumpati. Siguro iniisip niyo, “Sino ‘tong ewan na nagdadadaldal sa grad ko?” o “Nawala lang ‘ata yan papuntang CR.” Sa totoo lang, hindi ako karapat-dapat na umakyat sa entabladong ito. Hindi naman ako mas mahusay sa iba sa inyo.

Pareho lamang ang ating mga pinagdaan, mga proyekto, mga walang pasok dahil sa bagyo na ginamit rin naman sa proyekto at sunod-sunod na trabahong tinatambak ng mga guro. Sama-sama tayo sa ating kasiyahan, pag-iiyakan, kawalang ng pag-asa, pagpasa sa kolehiyo at pagkilala sa ating mga sarili.

Nagpapasalamat na lang ako na nakasama ko kayong lahat dito, mga ka-batch ko, mga matalik kong kaibigan, mga kaklase at mga taong nagbigay sa akin ng pag-asa. Nagpapasalamat ako na kayo ang nakasama ko sa apat na taon, at sa gabing ito.

Buti na lang, umabot ako.

-Lean Blas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: