mgatyod

Talumpati ng Pagtatapos

In Uncategorized on February 20, 2011 at 10:49 am

Biniyayaan akong makapagsalita sa harap ninyong lahat ngayong gabi. Nais kong pasalamatan ang aking pamilya, barkada, mga kaklase, at ang aking mga guro na tumulong humubog sa aking pagkatao ngayon.

Iba talaga ang aking karanasan sa mataas na paaralan. Sabi nga daw nila, ito ang “the best four years of your life”. At totoo nga, bagaman hindi ito puro kasiyahan. May mga pagkakataon na tila yumuyuko ang mundo sa lahat ng iyong kagustuhan, at may mga pagkakatapon rin na nararamndaman mo na tila lahat na lang ng tao sa iyong kapaligiran ay ninanais ang iyong kapahamakan.

Sa dami ng aking natutunan sa paaralang ito, isang aral lang ang ibabahagi ko ngayong gabi: Bilog ang mundo. Walang nananatili sa tuktok ng bundok. Pinagpala lamang ako ngayong gabi na mapili bilang balediktoryan, ngunit alam kong bababa rin ako. Sa oras na pumasok ang tagumpay sa aking ulo, babagsak rin ako. Pagdating sa kolehiyo, mawawala rin itong lahat at ito ay isang bagong pagsisimula para sa ating lahat. Lahat tayo ay may pagkakataong magtagumpay o mabigo. Naniniwala ako na mas mabuti ang taong kumapit sa kanyang mga prinsipyo ngunit nanatili sa baba, kaysa sa taong binitawan ito para lang makalamang sa kapwa. Kaya kung ika’y palaging nabibigo, ‘wag kang masyadong malungkot dahil magtatagumpay ka rin, at kung ikaw naman ay matagumpay, sulitin mo na ito, dahil hindi palaging ganito ang mangyayari sa ‘yo.

 

-Caje Batino

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: