mgatyod

Talumpati

In Uncategorized on February 20, 2011 at 3:27 pm

Ang unang-unang bagay na nais kong sabihin ay…

SA WAKAS! Sa wakas tapos na ang apat na taong paghihirap,

Apat na taong, pagpupursigi, pagti-tiyaga, pagpupuyat, pagpapawis,

Pagsusunog ng kilay, paggising ng maaga, pag-uwi ng gabing-gabi, at kung

Anu-ano pang pasakit na dinanas. At siyempre, kasabay ng paglipas

ng mga karanasang ito, tapos na rin ang apat na taong tawanan,

kalokohan, iyakan, pagbagsak sa pagsusulit kasabay ng mga kaklase,

pagbagsak sa mahabang pagsusulit kasabay ng mga kaklase, pagbagsak sa eksam

kasabay ng mga kaklase, pagtutulungan para makabangon mula sa pagkabagsak,

mga classnight, paghingi ng pagkain sa katabi, pangunguha ng tubig sa katabi,

at kung anu-ano pang masaya at malungkot na mga karanasan

sa apat na taong pananatili sa mataas na paaralang Ateneo.

Dito ko rin natutunan na totoo ang kasabihang, “no man is an island.”

Lalamunin ka nang buhay ng Ateneo kung wala kang kaibigang makakasama

sa mga karanasang ito. Hindi mo magagawa ang lagpas sa kalahati ng

mga sinabi ko kanina kung wala kang kaibigan. Kahati sa hirap at ligaya.

Ang mga taong nakasama mo ay isa sa mga pinakamahalagang bagay

Na ipinagkaloob ng mataas ng paaralang Ateneo.

Kaya sa ating paglisan dito, matutunan pa rin natin pahalagahan ang

mga taong nakasama mo sa mataas na paaralan, at ang mga makakasama mo sa kolehiyo.

Isa ito sa mga bagay na hindi matututunan sa loob ng isang silid-aralan,

kundi sa araw-araw na pakikisalamuha sa iba’t ibang tao.

‘Di ba’t iyon naman ang itinuturo ng Ateneo, maging “Men for Others?”

-Talusan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: