mgatyod

Talumpati

In Uncategorized on February 20, 2011 at 12:17 pm

Ah, kayo ulit. Siguro iniisip niyo, “Ah, siya ulit.” Walang nagbago sa apat na taon. Ako pa rin ang nasa entablado; ako pa rin ang pinakamagaling; ako pa rin ang pakikinggan niyo; ako ang idol; ako, ako, ako; at kayo — kayo ang pangalawang pinakamagaling. Pangalawa kayo sa akin, malamang.

Ayaw kong ipamigay ang lahat ng aking mga mensahe sapagkat mayroon pa akong talumapti sa pagtatapos natin sa kolehiyo. Siguro naman, “grand slam” ako — mababang paaralan, mataas na paaralan, at kolehiyo. Lagi akong numero uno.

Ito na.

Nais ko lang pasalamatan, pagkatapos ng apat na taon, ang lahat ng guro’t mag-aaral sapagkat tinanggap niyo ako kahit sobra-sobra ang pagkakaiba natin. Magaling kayo lahat samantalang mas magaling ako. Sa totoo lang, ‘di ko alam kung bakit ako nandito — hindi, sa entablado (alam kong ako ang pinakamagaling), kundi sa eskuwelahan. Isipin niyo, ba’t ako papasok kung magiging isa akong kilalang taong makakahanap ng bagong teoriya sa agham na hindi alam ng mga guro ngayon? Siguro ‘yan lang ang maaabangan niyo sa akin. O baka maging isa akong “Olympic record holder.” ‘Di rin natin alam. Alam ko lang na magaling ako.

Ang mensahe o pabaon ko naman sa inyo ay ito: umasa lang kayo sa akin. Kilalanin niyo ako’t kaibiganin. Sasabihin ko na ang aking plano pagkatapos ng kolehiyo: magiging pangulo ako ng mundo at ilalagay ko kayo lahat bilang lider ng iba’t ibang bansa. Win or lose it’s the school you choose.

Maraming salamat sa inyong lahat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: