mgatyod

Pananalumpati

In Uncategorized on February 20, 2011 at 8:02 am

Sa haba ng paglalakbay na dinanas natin, nakakalungkot isipin na dito na magtatapos ang buhay natin bilang mga estudyante ng Mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila. Pagtapak natin sa labas ng Binubungang Palaruan, hindi na tayo kabilang sa mundong kinagisnan natin. Hinahatak na tayo patungo sa totoong mundo. Hindi na tayo masisilungan ng mapag-arugang pakpak ng mataas ng paaralan.

 

Karamihan sa atin na nandirito ngayon ay nagmula sa Mababang Paaralan ng Ateneo de Manila. Naaalala ko pa noong palaru-laro lamang ako sa may playground, hindi masyadong naaantig ng mga bagay pang-akademiko. Pagtapak ko sa mataas na paaralan, naranasan ko ang masakit na katotohanan ng pagbagsak dahil sa kakulangan ng pag-aaral. Kung noon sa mababang paaralan, nakakuha ako ng mga parangal kahit hindi ako masyadong kumayod, sa mataas na paaralan, natutunan kong maghirapan ang bawat pagsusulit at eksameng kinaharap ko.

 

Sa palagay ko, ibang-iba ang magiging buhay natin pagdating sa kolehiyo. Hindi na tayo maaalagaan ng eskuwelahang ating papasukan. Ibang lebel ng hirap ang ating mararanasan doon. Kung ngayon, napupuyat na tayo dahil sa mga takdang aralin at mga pagsusulit, paano pa kaya roon? Sa kolehiyo, may mga gabing walang tulugan. May mga araw na papasok tayo sa klase na mukhang bangkay dahil sa kakulangan ng tulog. Bilang pagtatapos, sunggaban natin ang mga oportunidad na lilitaw. Ang kolehiyo, sa halip na tingnan bilang hadlang ay tingnan natin bilang oportunidad na pagbutihin ang ating mga sarili. Magandang gabi muli at maraming salamat sa inyong lahat!

 

– Vinchie Que

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: