mgatyod

Labasan na? Mam’ya na.

In Uncategorized on February 20, 2011 at 9:44 am

Pasara na ang mga kurtina, nagdidilim na ang mga ilaw,  at patapos na rin ang hiyawan ng mga nagpapalakpakang tagasunod ko. Tipikal na eksena sa ibabaw ng entablado pagkatapos ng bawat palabas, ngunit bakit tila napakahirap nang intindihin ngayon na tayo’y palabas na rin dito sa mataas na paaralan?

Kung sabagay, matagal-tagal na nga rin naman tayong namalagi dito sa ating pangalawang tahanan, higit sa dal’wa hanggang tatlong oras ng madugong pagtatanghal sa loob ng teatro. Ngunit parehas din namang puno ng paghihirap, tulad ng ‘pag may naiwanang napakaimportanteng disenyong-pang-entablado sa techbooth, nakaligtaang IP na pinilit pagtiyagaan simula’t sapul, mga pekeng sampal na tila napalakas o ‘di kaya’y mahahabang pagsusulit na pinaghandaang tunay ngunit sadyang lumagapak.

Sa kabilang dako, may mga bagay rin namang dapat nating ikatuwa: mga “aksidenteng” pagtanggal ng daliri ng kapares sa inyong “pekeng” halikan, mga kwis na tsambang naipasa, at kung anu-ano pa. Kinaya natin, tatanggapin at kakayanin din natin ang mga susunod pa. Wala pa tayo sa patapos ng linya ng buhay kaya’t sigurado ‘yan. Sa dirama-rami ba naman ng ating mga pinagdaanan, alaaam naaa!

Hanggang sa muli, paalam. Kitakits na lang tayo, kung saan man tayo mapadpad at magtungo. Kaya mo ‘to dahil kinya na natin ‘to. ‘Yun na lang.

Salamat sa [panonood] pakikinig!

 

-Justin Armada

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: