mgatyod

Isang Pagpapaalam

In Uncategorized on February 20, 2011 at 1:45 am

Matapos ang apat na taong pananatili ko rito sa Mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila, ito ay isa sa mga pinakamahirap na pagpapaalam na aking gagawin sa buhay na ito. Ilang araw rin ang iniaan ko sa pagtanggap sa reyalidad na matatapos na nga ang lahat at magkakahiwalay na tayo pagkatapos ng seremonyang ito. Malungkot mang isipin ay kailangan pa ring harapin.

Kahit magpapaalam na ako, masaya pa rin naman ako dahil masasabi ko naman na nilubos ko ang aking apat na taon dito sa paaralan. Noong unang pagtapak ko rito, ang tanging nasa isip ko ay puro gawaing akademiko. Lagi kong sinasabi sa saili na kailangan kong husayan ang aking pag-aaral. Ngunit, itinuro sa akin ng paaralang ito na marami akong kayang gawin. Dito ko natutunang bumitaw at magsaya. Hindi pala maganda ‘yung puro aral lang. Dito ko nadiskubre ang larangan ng pagsayaw. Dito rin ako natutong tumulong sa iba’t ibang mga aktibidad ng paaralan. Marami akong nagawa rito at masasabi kong sapat ang lahat ng pagod at hirap na aking inilaan.

Ito siguro ang tanging mabibigay kong payo sa inyo: Saan man kayo mapadpad, ‘wag niyong kalilimutan kung sino kayo at kung ano ang pinanggalingan niyo. Kahit mangibang bansa pa kayo sa kolehiyo, magpakatotoo pa rin kayo.

-Micx Nadela

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: