mgatyod

ArsPoeticaNiChuckD

In Uncategorized on February 20, 2011 at 9:58 pm

Daigdig ko ang aking tula.

Sa poetry, you let things take shape.

Ang hugis nito ay hugis stainless longganisa.

Longganisang galing sa pata ni Pugad Baboy.

 

Ito ang kwento ni Orosman at Zafira,

Hanggang sa pagmamahalan nila Florante at Laura.

Touch me not sabi naman ng filibustero.

Pagkat baligtad magbasa ang Pilipino.

 

Abnkkbasaknpla!

Abnkksulatknrin!

Isa kang manggagaya!

Aminin!

 

Pagkat dito sa Kaleidoscope World,

Mag-trip to Jerusalem ka man,

Mahahanap mo ang ligaya kahit abutin ka pa ng umagang kay ganda.

‘Cause this is your universe.

 

Ikaw ang bahala sa sarili mong tula

Hiramin mo man ang mga ideya’t liriko

Nila Rizal, Tinio, Balagtas, Bob Ong, Hernandez, Almario, Coroza hanggang kay Pol Medina,

Nila Bamboo, Eraserheads, Rico Blanco, Apo, Parokya, Gloc-9, Ogie, Kitchie, Freddie atbp.

 

Kung gusto mong may sukat at tugma,

Kung gusto mong magbigay ng aral o aliw,

Kung gusto mong blangko na lang,

Kung gusto mong kumuha ng inspirasyon mula sa iba.

 

Sa totoo lang, ayos lang.

Pero kung gusto mo maging orihinal,

At maging iba sa nakararami,

Ayos lang rin, ikaw ang bahala.

 

Ito ang portrait of the artist as Filipino.

Ano man ang naging paraan ng iyong paggawa.

Wala mang may gustong magbasa.

Basta’t ikaw at ang iyong tula ay totoo.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: