Alalahanin mo’ng
ang pagsulat ay hindi minamadali at hindi pinipilit.
maghintay. kailangan ng pasensya.
magtiyaga. sa dulo ay sasaya.
para lang ‘tong isang prutas,
halimbawa ang mangga.
sa simula ay berde’t napakatindi ng asim
‘Vitamin C,’ sabi mo? nagkakamali ka.
hindi lahat ng maasim ay may vitamin c.
Paano kaya ang pawis sa isang kili-kili?
…
Kung ika’y maghintay at magtiyaga,
matinding ligaya ang iyong mapapala.
ang mangga’y mahihinog
magiging ginto’t napakatamis
parang halik ni mama
o kaya ni misis
-Luis Santos