mgatyod

Ars Poetica et Scientia

In Uncategorized on February 20, 2011 at 2:10 am

Ang pagtula’y ‘di nababakuran ng agham.

Walang axioms, walang theorems

Ni kaunting laws at diagrams.

Ito’y isang dimensiyong sumasalamin

Sa lawak ng universe

At mga uncertainties

Na kay sarap pagtagni-tagniin.

Sa simula’y,

Parang nasa vacuum ang mga neurons,

At humuhulagpos ng mga salita

Upang i-transmit sa mga axons.

Unti-unting lilipas ang oras in seconds,

O kaya’y abutin pa ng several generations,

At saka bubungad ang mga offspring

In various phenotypes

At mutations.

Nariyan ang mala-emo

Na pabago-bago ang level ng hormones,

At ang romantikong nag-uumapaw

Sa natatanging pheromones.

Ang iba nama’y hitik na hitik

Sa kasiyahan ng dopamine,

At ang mga natitira’y

Pinaghalu-halo na lamang

Na mga masasayahin at mga susumpungin.

 

 

…At hindi lang naman ang mga ito

Ang mga maaaring combinations

Sapagkat depende talaga ito

Sa takbo ng pluma

At levels of concentration

Ang mahalaga’y

Maging buoyant ang ipinararating,

At makakuha ng attraction

Mula sa nabuong constant gravitation.

Saka na susunod ang summation of force

Na mas hihigitan pa

Ang product ng mass

Times acceleration.

-Kim Endaya

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: