mgatyod

Ars Poetica

In Uncategorized on February 20, 2011 at 7:41 am

Sa pagtula, para kang chef.

Bukod sa laman,

pinagtutuunan din ng pansin ang pagpapaganda sa pagkain.

Sa simula, pa-itlog-itlog ka lang

ngunit sa kalaunan, makagagawa ka na ng likhang

masarap at maganda.

 

Sa pagtula, para kang chef.

Ang bawat likha ay nakakakuha ng iba’t-ibang reaksiyon.

May masasarapan, may maaalatan,

pero sa huli, masaya ka pa rin

dahil ikaw ang may likha ng nginangata nila.

 

Sa pagtula, para kang chef.

Paminsan napapaso ang dila,

o kaya’y nahihiwa ng masasakit na salita.

Pero ang lahat ng iyon ay nasasapawan

ng pangangailangang ihayag

ang mga damdaming bumubukal sa kaibuturan ng puso.

 

Sa pagtula, para kang chef.

Sa tagal mo’ng nagluluto, pataas nang pataas ang toque mo.

Umaangat ang lebel ng salitang ginagamit.

Huwag lang susuko dahil sa huli,

kahit mawala na sa alaala ang tula mo,

tandaan na may nabubusog kang tao.

– Vinchie Que

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: