mgatyod

Talumpati sa Pagtatapos

In Uncategorized on February 19, 2011 at 2:16 am

Apat na taon. Apat na taon na ang nakakalipas noong una tayong tumapak sa paaralng ito. Apat na taon na tayong pumapasok at nagpapakahirap intindihin ang mga aralin. Apat na taon na rin tayong nakikipagkwentuhan at nakikipagtawanan sa ating mga kamag-aral. Apat na taon. Ito at marami pang ibang mga karanasan sa mataas na paaran ang matatapos ngayong gabi.

Ngunit hindi naman siguro nating hahayaang matapos talaga ang lahat ngayong gabi. Sigurado ako, naparaming mga karanasan ang hindi natin makalilimutan kailanman. Ang paghahanda nating para sa mga Palig, mga pnapanalnang mga laro sa Sportsfest, gayundin ang mga pagkakataong tayo’y nabigo, ang lahat ng ito at napakarami pang iba ang humubog sa ating lahat patungo kung sinoman tayo ngayom. Sana’y natutunan nating hindi lahat ng bahay ay sumasang-ayon sa ating plano. Hindi rin umiikot sa atin ang buong mundo. Marami pang mga taong makakaapekto sa atung buhay: mga guro, mga kamag-aral, pati na rin ang mga TD kids natin. Lahat sila’y parte ng ating mga buhay, sa malaking paraan man o maliit.

Marahil ay hindi pa natin lahat masabi ngayong handa na tayo para sa kolehiyo. Ngunit alam kong hindi tayo nagkulang sa paghahanda at mga payo. Tayo’y mga Atenista at tayo’y maging tunay na Atenista pagbaba natin sa bundok. Ipakita natin ang ating galing at mga natutunan dito sa paaralan. Saan man tayo mapadpad na kolehiyo, dito man sa bansa or sa iba, alalahaning may maipagmamalaki tayo: ang pagiging parte ng batch na to.

 

-Jop Ramos

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: