mgatyod

Talumpati ng Pagtatapos ni Jay Caluag

In Uncategorized on February 19, 2011 at 12:22 pm

Apat na taon na ang nakalilipas, marami-rami na rin ang ating napagdaanan bilang isang batch, at dumating na rin ang araw ng ating pagtatapos. Kung dati’y narito tayo para sa mga misa, selebrasyon, o laro, ngayo’y nasa binubungang palaruan tayo para magpaalam sa ating minamahal na eskuwelahan.

Masaya ako dahil marami sa atin ang makaaakyat ngayon upang tanggpain ang diploma, na marami ang nakakuha ng mga pagpupugay. Pinalad din ako bilang balediktoryan ng taong ito. Ngunit hindi ito matutupad kung hindi dahil sa aking mga guro, na kahit ako’y pinahihirapan ay tuloy pa rin ang paggabay sa aking pagkatao. Sa aking mga kaklase, na bagaman ay isang maingay at sabaw na klase, ay maaasahan ang suporta’t pagmamalasakit sa isa’t isa. Sa aking mga magulang, na kahit mahal ang matrikula rito sa Ateneo’y nagsikap pa rin sila na ako’y patapusin. At higit sa lahat, sa Diyos na patuloy ang pagbibigay sa akin ng mga biyaya at pagmamahal.

Sa maraming leksyon na aking natutuhan dito, ang pinaka-importanteng nalaman ko ay ang kahalagahan ng pagtutulungan. Nakasanayan ko na magtrabo mag-isa, ngunit nalaman ko lang na mas mabilis kapag mayroon kang katuwang sa trabaho, mas masaya kapag may kasama kang kaibigan. Kaya pagpunta natin sa susunod na yugto na ating buhay, alalahanin ninyo na lang na ang atingpagkakaibigan, ang ating pagsasama ay hindi mapawi. Na kahit tayo’y uugod-ugod na ay may maaasahang tulong pa rin mula sa inyo.

Sa ating pagtatapos, sana ito’y maging daan upang magsimula ng panibagong kabanata sa ating mga buhay-buhay. Hinanda na tayo ng ating paaralang maging mabubuti’t mararangal na tao. Ngayon na ang oras para isabuhay ang mga ito.

Bilang isang taong may MAGIS at may pagmamahal sa kapwa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: