mgatyod

Talumpati ng Pagtatapos

In Uncategorized on February 19, 2011 at 12:12 pm

Tayo ay nagtipon ngayon upang makilala ang baway isang estudyante na pumasa sa AHS batch 2011. Ngunit sa pagkakataong ito, makikilala niyo ako, ang binansagang, “valedictorian’; ang ‘pinakamagaling’.

Sa loob ng pinakamahabang apat na taon sa aking buhay, mas magaling ako sa lahat sa inyo. Lahat. Sa. Inyo. Sa likod ng aking napakahiwagang tagumpay, may isang maitim na sikreto na kailangan kong ihatid.

Ako ay isang mandaraya.

Oo, tama ang inyong narinig. Ang pinaka-diyos sa lahat sa inyo, ay isang hamak na mandaraya, isang demonyo. Ngunit, inaamin ko rin na wala akong ginawa na gusto kong baguhin. Tingnan ninyo naman kung saan ako umabot! Hindi nga ako kasama sa klaseng A o N, ngunit ako ang valedictorian! Nakakatawang isipin na lahat kayong nagpupuyat sa pag-aaral, ay natalo ko!

Sa totoo lang, sundan na niyo lahat ang ginagawa ko. Walang paghihirap, ngunit lahat ay nakukuha mo. Paglabas mo ng AHS, ibang mundo na ‘yon. Patayan. Ang malakas at marurunong ang nabubuhay. Ako ang mabubuhay. Kayo? Bahala na kayo kung gusto niyo matulad sa mga nandiyan sa likod, yung mga ‘di kinaya ang AHS palang. Isipin niyo nalang ang buhay.

Aminin mo na, naniniwala ka sa sinasabi ko. Kung ako sa inyo, simulan niyo na ang inyong bagong buhay.

 

– Ino Rupisan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: