mgatyod

Huling Pagsasama, ang Talumpati sa Pagtatapos

In Uncategorized on February 19, 2011 at 6:51 am

Sa araw na ito, ika-27 ng Marso, magtatapos na ang buhay natin dito sa Mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila. Napakabilis ng paglipas ng panahon.

Parang kahapon lamang ang unang araw nating pumasok dito. Puro mga batang ‘di alam kung anong mangyayari sa kanila. unti-unti nating natutunan na ang hayskul ay parehong masaya at mahirap. natutunan natin ang pakikisama, ang pagpapanalo, ang sohcahtoa at pati na rin ang pagkasawi.

Napakaraming bagay ang ating naranasan sa apat na taon lamang. Nakita natin ang mga pagbabago sa eskwelahan at pagpapaganda nito. Alam ko natatandaan niyo pa ang Ignite at Sophnight kung saan tayo’y nag’party’ sa gabi. Siyempre, ‘di makakalimutan ang prom, o Enamorarse kung saan nakapagsaya tayo kasama ng mga kaibigan nating babae. pati na rin yung CAT, kahit niyo rito, nakayanan natin. Mapapagyabang natin na walang hinimatay sa Military Mass.

Pero ngayon, itong yugto ng ating buhay ay matatapos na at bago naman ang ating sisimulan. Hinding-hindi ko malilimutan ang AHS Batch 2011. Kayong lahat ay nasa puso ko. kakayanin natin ang Kolehiyo at sama-sama din tayong magtatapos. At kahit tayo’y ‘di na magssasama sa parehong kolehiyo, alam ko, mga dalawampung taon makalipas, makikita ko kayong lahat na naging matagumpay sa buhay, sa trabaho, sa pamilya at lalong-lalo na, maging tao para sa iba.

Bago ako matapos, gusto kong sabihin sa inyo na ang pinakamahalagang natutunan ko sa AHS ay ang 5 C’s. At alam ko, magagamit natin ito sa buhay pagkatapos ng hayskul.  ‘Men-for-others’ tayo at ginagawa natin ang lahat, para sa Kanya. AMDG. Kaya muli, maligayang pagtatapos at mabuhay ang AHS Batch 2011.

– Ino Villacastin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: