mgatyod

Sa Isang Panaginip

In Uncategorized on February 16, 2011 at 12:52 pm

Sa isang panaginip, may nagpakita

Nagsimula sa isang buto ng ideya,

‘di ko diniligan, bumunga siya

Sa tulong ng imahinasyon at kaunting alaala.

 

Habang ako’y tulog

Ang ideyang humuhubog

Nabigyan ng kulay,

Nabigyan ng buhay.

 

Sa aking panaginip, ang ideya’y lumaki,

Unti-unti kong binubuhos ang aking sarili.

Nakikita ko na ang kagandahan nito

Isang diyamtante sa gitna ng bato.

 

Biglaang nangyari, hindi inasahan

Mula sa panaginip, ako’y natauhan.

Kumuha ng papel at ng lapis kaagad,

Para makuha ang ideyang hangad.

 

Para magsulat, ako’y handang-handa

Ngunit sa aking utak, walang maalala.

Mayroon lamang itim na nakita

Bakit ganoon ang handa

Ng diwata ng wika?

 

-Ino Rupisan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: