mgatyod

Hapis ng Munting Sisiw

In Uncategorized on February 16, 2011 at 1:06 pm

Anak,

tanggapin mong mahirap lumipad.

Mahirap aminin. Mangilang beses ka nang

Nahulog.

Kahit anong subok mo, tuluyan ka na lang

Nalalaglag patungo sa lupa.

Masakit, alam ko. Dama ko ang iyong hapis.

Kapag ika’y nahihirapan sa munti mong mga pakpak,

Maging ako’y ramdam ko ang kirot na iyong nararanasan.

 

Pero,

Ikaw lamang ang makatutulong sa ‘yong sarili

Upang tuluyang pumayagpag sa himpapawid.

Ako lamang ay narito upang ika’y gabayan, dahil

Hindi lahat ng pagkakatao’y naririto pa rin ang Ina.

 

Tahan na,

aking bunso. Walang magagawa ang luha kung

hindi mo subuking mameligro muli.

Unti-unti,

Sa pagtungtong mo sa dulo ng ating sangay,

balang-araw,

Tuluyan ka ring

Makalilipad.

 

Makalalaya.

 

Kaunti na lang.

 

– Jay Caluag

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: