mgatyod

Ars Poetica

In Uncategorized on February 16, 2011 at 12:58 pm
Lahat tayo’y binigyan ng buto at ating itinanim,
Isang talentong nakukubli sa dilim.
Minsa’y pinababayaan…
Minsa’y inaalagaan…
Ngunit ito’y mananatili sa lupang ilalim
Karamiha’y binabalewala ang mahiwagang buto.
Palibhasa’y hindi nakikita ang kagandahang ng salita
Kailangang hanapin sa kailaliman ng puso,
Itong nakatagong pagmamahal,maging isang makata.
Sa kabila ng lahat, mayroong mga nagdilig.
Itong maliit na anak, hinubog, pinaliguan at patuloy na inibig.
Nagtagal, ang buto’y tumubo, lumaki, umabot sa langit
Lahat ay napatingala sa kagandahang walang kapalit.
Nais kong hukayin ninyo ang inyong mga tinanim na anak
Hubugin, alagaan at mahalin…
Kahit walang dalhing tiyak.
Hindi natin alam…
Ito’y magdadala ng kagandahang inaasam.
– Axel Pangilinan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: