mgatyod

Talumpati ng Pagtatapos

In Uncategorized on February 20, 2011 at 1:43 pm

Magandang araw, mga kaibigan. Mga kaaway, kaibigan, gago’t matalino, guro’t mga kapatid. Tapos na ang ating apat na taon. Kung tutuusin, kapag tinanong ko sa inyo kung ano ba talaga ang pinag-aralan natin sa apatnapung buwang ito, pagtatawanan ko lang kayo.

Bakit? Dahil wala kayong masasabi. Hindi naman na kayo’y tanga (paumanhin na lang sa mga natamaan), ngunit dahil wala kayong maalala. Sa paglayas ninyo mula sa mahiwagang Mataas na Paaralang Ateneo De Manila, hindi niyo madadala ang lahat ng araling inyong natuto, ngunit ang paraan kung paano kayo natuto. Kung paano ba talaga kayo nagtiyaga para rito.

Kung sa bagay, mas magwawagi sa buhay ang simpleng taong nagtiyatiyaga kaysa sa matalinong tinatamad.

Paglayas din ninyo, wala kayong karapatang umangal. Nakakainis ang mga nagsta-status sa Facebook kapag sila’y naiiyak sa hirap ng hayskul. Ah, hindi pala kayo nakaka-inis – nakakaawa lamang. Kung dito pa lang ay hirap na kayo, paano pa kaya kayo iiyak kapag kayo’y binugbog ng katotohonan ng kolehiyo? Ng totoong buhay? ‘Pag ika’y may trabaho? Mga anak? Magkakaluha ka pa ba?

Ubos. Kasabay ng ubos ng inyong luha’y iyong pasensya, inspirasyon, at sige, dagdadgin na natin ang inyong pangarap. At bakit ba? Dahil umangal ka lang nang umangal, nangarap ngunit walang ginawang pagbago, at tuluyang nababaan ng lakas ng loob.

Eh, ako? Paano ba ako nakaabot sa katayuang ito? Hindi naman ako ang pinakagwapo, pinakasikat, pinakagayot, o kahit ang tunay na pinakamatalino sa inyong lahat, subalit bakit ako pa rin ang nagwagi? Ano ba ang sikreto?

Ah, sinabi ko na iyon kanina.

-noelnarciso

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: